May 5, 2009
There is beauty in absence.
-- Solitary Moonstar, Camera Walls
Saan nga ba patutungo ang entry kong ito? Alam ko at alam mong walang ibang patutunguhan ito kundi -- IKAW.
Magtatatlong buwan na rin simula nang mawala ka. Nalalapit na rin ang finals namin.
Tamang-tama naman, kauuwi ko lang at kapapasak ng mga headphones sa tenga ko para makarinig ng kanta sa radyo. Natural, hiniram ko na naman ang cellphone ni Mama.
Biglang narinig ko ang isang kantang bago sa pandinig ko sa Jam FM. Nakinig ako dahil sadyang nakaeengganyo ang ritmong taglay nang nasabing awiting ito.
Hanggang matunton ko ang linyang sadyang nakapagpagising sa kasalukuyang nalilito kong diwa.
Is there really beauty in absence? To me, absence means emptiness and emptiness eventually leads to pain.
But then again, had I not lost an essential part of me, I would never realize the positive side of absence -- LOVE. We truly appreciate the value of a person once we finally lose him or her.
Nasa punto pa lang ako na matutuklasan ko pa lang na mahal kita. Kung tutuusin, kung nagkatotoo lang sana ang love story nating dalawa, alam kong ito ang bubuo sa isang hungkag na bahagi ng puso ko. Ngayong wala ka na, may pag-asa pa bang mapunan ang espasyong sa'yo lang nakalaan?
Nanghihinayang ako, sa totoo lang. It was only now that I realized, it was YOU all along. You are the embodiment of my ideal man. You are that person I have long sought and dreamt of.
And then, that almost impossible, long-buried dream stole me away from dreaming as I later on found out that all I wanted was to become an international writer.
Mahirap at malamang, maraming taong pagtatawanan ako sa oras na malaman nilang ito ang pangarap ko. Pero, king hindi ako mangangarap nang malaki, ano pa ang silbi nang paghahangad na makilala? Hindi ba, kaya nga tayo binigyan ng Diyos ng kakayahang abutin ang mga pangarap natin ay dahil sa nais niyang gamitin natin ng buo at walang pag-aalinlangan ang mga talentong ibinigay Niya sa atin?
Aking anghel, alam ko, kung naririto ka pa, sususportahan mo ako sa adhikaing ito. Parehas tayong labis ang pagmamahal sa mga letra. Para rin sa iyo ito.
Mahal na mahal kita.
(Raphaelle I. N. J.)
9 comments:
hays...ang ganda....inspiring
kaya mo po yan aja!
wow ang lalim ng emosyon mo teng! ahihi
ramdam ko ang damdamin sa bawat salita.. naalala ko na naman ang isang simpleng awiting nagmumula sa Orient Pearl ganto ang sinasabi:
wag mong isubo (este isuko pala)..
at iyong labanan
nyahahay.. =)
hahaha!! Grabe, hinugot ko pa ang emosyong 'yan mula sa tadyang! Hugutin ang dapat hugutin!
teka asan ba siya? kakalungkot naman yun...
bsta gudluck nlang sa pngarap mo,dnt wori mahal ka din niya... ;)
Wow. I am sure, kung nasaan man sya ngayon masaya sya para sa iyo at susuportahan ka nya all the way. :) Smile. :)
Kung sinuman ang tatawa sa pangarap na maging International writer ka, uupakan ko. :)
Iyon din ang pangarap ko. Takot ako sa letra dati. Pakiramdam ko kasi hindi ako marunong magsulat. Feeling ko walang organization ang mga ginagawa ko. Lalo pa't dineny application application ko sa student publication.
Ngayon, i am doing it my way. Getting more confidence with blogging. Just keep it up. You will get a long long way. :)
TO ACRYLIQUE: Talaga po? Maraming-maraming salamat po sa inyong pagtataas sa aking morale.
Nakakatuwa po talaga. Kaya natin 'to! Alam ko matutupad rin natin ang mga pangarap natin.
a love story will always be a love story.
i am sorry that i will say this. i don't know if he left this world of ours or i don't know if he is just out there thinking of you.
but if you found him once again, if he is still here, put everything at stake.
because love is a gamble.
if you won't put some money on the table, you won't win.. or lose.
and because love is a gamble.
put everything at stake.
because there is what you call a beginner's luck.
and ow, by the way, thanks for visiting the blog of eli, blographics, i am the writer of tagu taguan, boom taya, simpleng guest blogger lang, busy kase siya ngayon. salamat!
a love story will always be a love story.
i am sorry that i will say this. i don't know if he left this world of ours or i don't know if he is just out there thinking of you.
but if you found him once again, if he is still here, put everything at stake.
because love is a gamble.
if you won't put some money on the table, you won't win.. or lose.
and because love is a gamble.
put everything at stake.
because there is what you call a beginner's luck.
and ow, by the way, thanks for visiting the blog of eli, blographics, i am the writer of tagu taguan, boom taya, simpleng guest blogger lang, busy kase siya ngayon. salamat!
i agree with that...there is a beauty in absence...
rcyan, nice try... pero hindi un ang sagot... hula pa... kya yan...
makisagot na rin kau sa tanong na...
Anong lugar sa pilipinas ang pinaka ayaw ng mga dentista?
dito
Post a Comment